Martes, Setyembre 15, 2015

DEMAND AT SUPPLY



Image result for demand at supply


Demand
->Ang demand ay tumutukoy sa dami ng produkto at 

serbisyong nais bilhin ng mamimili sa iba't ibang

 alternatibong produkto sa isang takdang panahon.


Iskedyul ng demand
->ito ay isang talaan na nagpapakita ng bilang ng isang produkto batay sa inilaang presyo.


Image result for demand at supply
Ano ang SUPPLY? 
3  PARAAN UPANG MAS MAINTINDIHAN ANG DEMAND AT SUPPLY:
DEMAND / SUPPLY EQUATION
Isang mathematical equation nagpapakita ng ugnayan ng presyo at dami ng demand o supply.


DEMAND / SUPPLY SCHEDULE
Isang talahanayang nagpapakita ng presyo at dami ng demand/supply.
DEMAND / SUPPLY CURVE
Isang talangguhit o grapikong paglalarawan na nagpapakita ng relasyon ng dami ng demand o suplay at presyo ng isang produkto 


LAW OF DEMAND AND SUPPLY 
LAW OF SUPPLY
LAW OF DEMAND

D->Pag ang presyo ay tataas at ang demand ay bababa
P->pag ang presyo ang bababa at ang demand ay tataas
QUANTITY EQUILIBRIUM
Ang Ekilibriyong Dami ay tumutukoy sa dami ng produkto na handang bilhin at ipagbili ng konsyumer at prodyuser sa napagkasunduang presyo.


Mga Salik na Nakaaapekto sa
DEMAND AT SUPPLY
DEMAND
- Panahon
- Okasyon/Tradisyon
- Populasyon
- Ekspektasyon
- Panlasa/Kagustuhan
- Presyo ng May-Ugnay 
na Produkto
- Kita
SUPPLY
- Teknolohiya
- Subsidy
- Buwis
- Dami ng Nagtitinda
- Klima
- Ekspektasyon 
- Presyo ng
Alternatibong Produkto
- Presyo ng mga Salik sa
Produksiyon



ELASTISIDAD
Ang Elastisidad ay ang pagsukat ng porsiyento 
ng pagtugon ng konsyumer/prodyuser 
sa bawat porsiyento pagbabago ng PRESYO.
MGA URI NG ELASTISIDAD
ELASTIK
DI-ELASTIK
UNITARY
Elastik na Demand 
Elastik na Supply 
Ganap na Elastik
ng Demand at Supply 
Ganap na Di-Elastiko
ng Demand at Supply
Di-Elastiko na Demand
Di-Elastiko na Supply
Unitary na Demand
Unitary na Supply

Pagbabago ng Kurba ng Demand:

Kung ano ang presyo ay di magbabagomakikitaang pag babago ngkurba ng demand bunga ng iba’t ibang salik. Mag reresulta angpagbabago ng demand mula sa kanan papuntang kaliwa o VICE VERSA.



ILAN SA MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO SA DEMAND


Ang indibidwal na Demand ay nadbabago dahil sa presyo. Ngunit sa pagbabago ng dami ng produkto na bibilhin ay may ibang salik na nakaaapekto bukod sa presyo.


Populasyon
Ito ay isang potential market ng isang bansa. Ang pagdami ng tao ay naglalarawan ng pagdami ng bilang ng mga konsyumer na siyang nag-tatakda ng DEMAND.


DEMAND CURVE
Ang graph ay binubuo ng dalawang axis, ang horizontal at  vertical axis.
Ang presyo ay sa axis at Qd sa X axis. Upang makabuo ng demand curve , i- plot ang mga datos na makikita sa demand schedule.

Ang demand curve ay nagpapakita na sa presyong ₱80.00 ay walang pagnanais ang mamimili na bumili ng isang piraso ng guyabano. Kapag ang presyo ng guyabano ay bumaba sa   75.00, ang mamimili ay hadang bumili ng 25 piraso ng guyabano.

Kung ang presyo ay higit pang bumaba sa ₱30.00, ang mamimili ay bibili ng 250 piraso ng guyabano. 

Ito ay nangyayari, habang walang ibang salik na nagbabago. 

Sa pagdurugtong ng mga punto sa graph, ang demand curve ay nasa anyong pababa na pahalang o downward sloping.

Ang downward sloping ay naglalarawan ng di-tuwiran na relasyon 

ng dalawang variables na habang ang presyo ay tumataas,ang Qd

ay bumababa habang ipinalalagay na walng ibang salik na nagbabago.

Demand Schedule

~ ang dami ng produkto na handa at kayang bilhin ng mamimili sa alternatibong presyo sa isang takdang panahon ay ipinapakita ngdemand scheduleIto ay isang talahanayan na nagpapakita ngdemand ng mamimili sa bawat lebel ng presyo.

May paraan upang matsek kung tama ang presyo, kung Qd ng gagamitin. 
Halimbawa, sa equation na Qd = 400 - 5P. Ibawas ang ibinigay na Qd na 25 sa 400 at i-divide ang 375 sa 5. Ang presyo ay ₱ 75.00

400 - 25 = 375/5 = 75


Kung ang Qd ay 50, ibawas ang 50 sa 400 at i-divide ang 350 sa 5. Ang presyo ay  ₱ 70.00


400 - 50 = 350/5 = 70 

Maraming Salamat po!

Ipinasa Ni: Nicole Kate C Regalado 10 Jasper

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento